Isang blog tungkol sa kung anu- anong bagay, patapon man o makabuluhan. Mga opinyon at reaksyon mula sa maliit na karneng nasa loob ng aking bunbunan.


Born to live. Live to Share. Share to Create. Create to Inspire. Inspire to Delight.







________________

flabbergastedemon@yahoo.com

ask me.

tweet me



free counters

Proudly Pinoy!

25th May 2012

Post

Minsan na lang ulit ako sumaya ng ganito. At sa pagkakataong ito hayaan nyo muna ako. Kahit na alam kong mali, pasensya pero itotolerate ko muna. Itatama ko din ang lahat sa susunod. Ganito nga siguro, magpapakatanga ka basta sumaya ka lang.

11th May 2012

Photo

Taken with instagram

Taken with instagram

10th May 2012

Photo

Taken with instagram

Taken with instagram

10th May 2012

Photo

Taken with instagram

Taken with instagram

10th May 2012

Photo

A mother’s day tribute

A mother’s day tribute

10th May 2012

Photo

Waiting here in vain

Waiting here in vain

10th May 2012

Photo

Waiting here in vain

Waiting here in vain

10th May 2012

Photo

Girls Home Manila Boystown Complex, Marikina City

Girls Home Manila Boystown Complex, Marikina City

7th May 2012

Post

all those things are worthless without your so-called better half

Life is short and death is unevitable. When your life is in due, no things can ever make you happy except being loved by someone.

You never can tell when your life will end. No exact date, no particular time. ” you’ll never know”. The only thing that is sure, it certain to happen. But before you get to that moment you want to live simply and normally as possible. Do the things as it is before like there isno burden at all. You do not let people notice that you are sick and be pitied by your situation. You want all the happiness in life. You want to explore lifw for the last time. Yo do not have all the time to live but you have some time to experience the greatfulness of living. Living is loving. And loving someone is like a little piece of heaven. You’ll find out that searching for happiness and contentment in life is better when you are being accompanied by the person you love. That will make you realize that all those things are worthless without your so-called better half, the one who cares. The one who won’t leave you even in despair. That someone who will show you that there is hope, only hope that certain times in life miracle do happens. A person that will do everything just to make sure you’re smiling every single day that you are together.

7th May 2012

Post

MAHALAGA KA BA?

Ano bang parte mo sa buhay ng isang tao? Ikaw ba yung tipong uunahin niyang piliin kaysa sa iba o isa ka lang sa mga opsyon kapag wala ng napiling iba?

  Masarap sa pakiramdam yung makatagpo ka ng isang tao na swak sa katauhan mo. Yung tipong nasasakyan lahat ng trip at dadamayan ka kapag badtrip. Kulang na nga lang tawagin kayong magsyota para maging pormal na. Higit sa magkaibigan ang turingan pero malabong magkatuluyan. Ang ewan diba? Minsan iniisip mo, MU na kaya ito? Paano kung gusto niya ko. Paano kung kami na? Magiging ganto pa rin kaya ang turingan namin sa isa’t isa?

  Sabi nga sa lyrics ng kanta ng bandang Sandwich, ” hindi mo malalaman kung di mo susubukan”. Puro ka tanong na wala namang tiyak na kasagutan. Isang tanong, isang sagot lang ang paraan para magkaalamanan na. Ang problema lang takot kang makatanggap ng isang malutong na rejection mula sa kanya. Hindi mo kayang sikmurain kung sakaling hindi ka niya type, hindi ka gusto, at lalong hindi ka mahal. Pero wala pa ring saysay ang mga ito kung hindi ka pa rin magtatanong.  

Hanggang sa… Magkalakas ka na ng loob na magtapat sa kanya. Para kang sasabak sa isang matinding oral recitation dahil sa paulit ulit mong pagkabisa ng apat na salitang napakadaling isipin ngunit sadyang napakahirap sabihin at itanong, ” MAHAL MO BA AKO?”  

Nang matanong mo na sa kanya, tila napasok ka sa isang scene ng telefantasyaseryekoreanobela. Cue effects. In slow mo. Best closeup camera shots. At pamatay na background music. Astig! At ng marinig mo siyang tumawa ng malakas at nagsalita, ” HAHA ASSUMING KA MADYADO!” , bigla kang nagising sa katotohanang wala ka sa isang telefantaseryekoreanobelang palabas kundi nasa isang world classhorroraction film.  

Hindi ka pala mahal eh. Oh paano na, hanggang sambit ka na lang ba ng ” okay” na may kasamang kahihiyan at matinding pagkabigo?  Sa isang iglap ay sinapak ka ng katotohanan. Sinikmuraan hanggang sa matauhan. Yung akala mong taong nakakaintindi sayo, yung mapag alaga sayo, yung nagpapangiti sa iyo tuwing malungkot ka, at ang taong akala mong mapapasayo ay isang imahinasyon lang pala. Nag assume ka kasi. Ni hindi man lang muna tinimbang ang maaaring mangyari. Nagsiguro na papabor sayo ang lahat ng bagay. Masyado kang naging panatag dude.  

Hindi pala uubra ang paalala sayo ng palabas na NO OTHER WOMAN na ang mundo ay isang malaking Quiapo, kapag hindi ka nakipagsabayan, mauunahan ka, maaagawan at maiisahan. Dahil ang katotohanan ay hindi nadadaan sa pakikipag unahan upang makuha ang isang bagay, nasa diskarte yan.

  Ngunit bago ka dumiskarte, mahalagang alamin mo muna kung may parte ka nga ba sa buhay ng isang tao.. Dahil kapag nag assume ka bandang huli baka marealize mo na masakit pala talaga ang masaktan. (c)monjon

3rd May 2012

Photo

19th April 2012

Post

GRAVITATIONAL PULL

   Ang mundo ay nilikha na may taglay na gravity para mapanghawakan at makontrol nito ang anumang bagay. Sa realidad, nagtataglay ka rin kaya ng “GRAVITATIONAL PULL” gaya ng sa earth?

     Oo may taglay ka ring gravity katulad ng mundo. Ang gravitational force na taglay mo ay mula sa iyong utak na kung saan kinokontrol mismo ang iyong sarili. Kaya mong mag desisyon at gumawa ng mga bagay sa kahit anong paraan na gustuhin mo. Ang gravity na taglay mo, hindi tulad ng sa mundo ay limitado lang. Huwag kang umasa na lahat ng bagay sa paligid mo ay aayon sa nais mong mangyari. Tanging mundo lamang ang may kakaibang gravity. Hindi mo hawak ang panahon. Lalong wala kang kontrol sa daloy ng pagkakataon. Kung may mga pagkakataong yung mga bagay na naisin mo ay napapasaiyo, hindi naman sa lahat ng oras ay papabor sa iyo ang panahon. Ganyan ang buhay, mapaglaro madalas. Kahit anong pilit mong makuha ang ninanais mo, gamitan mo man ng ultimate gravitational pull ay maaring hindi mapa sa iyo. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang may taglay na gravity. Ang mundo at ang ibang tao, sila ang ka kompetensya mo.

     Marahil para nga lang tadhana ang daloy ng buhay. Nabubulag ka sa katotohanan dahil sa paniniwalang ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong tadhana. Ikaw lamang ang nagpapasya kung tatanggapin mo ba ang tadhanang nakalaan sa iyo o pilit itong tatakasan, lalagpasan at babaguhin umayon lang sa tadhanang inaasam mo.

     Hindi naman masama ang mag hangad. Mag assume at mag expect. Pero isang paalala, ito ay laging may kakambal na frustrations at disappointments. Ano mang sobra ay nakasasama. In moderation nga lang dapat ang pag aasam ng mga bagay. Gamitin ang taglay na gravity upang magkaroon ng lakas na makontrol at mapanghawakan ang mga bagay na gusto mo. Pero kung umiral na ang pwersa ng gravity ng mundo at mismong tadhanang nakalaan sa iyo, panahon na siguro para bumitiw at hayaan na ang daloy ng pagkakataon para ito mismo ang kumontrol sa nais mong mangyari.

     Malay mo hindi man umayon ngayon ang pagkakataon gamit ang sarili mong gravity, ay mismong gravitational pull na ng mundo at mismong tadhana mo na ang pumabor sa daloy ng panahon na inaasam mo.

19th April 2012

Post

GOODBYE PICNIK.COM

kudos!

6th April 2012

Post with 2 notes

BAKIT SA STARBUCKS PA AKO BIBILI NG KAPE. EH AND ISANG TASA NG KAPE DUN KASING HALAGA NG ISANG COMPLETE MEAL SA CARINDERIA. MAY SUKLI KA PA.

Tagged: REFLECT.

6th April 2012

Post

KAYA NAMAN EH. KUNG PIPILITIN MO LANG.